Dahil sa depresyon sa kawalan ng trabaho, winakasan ng isang 27-anyos na dalaga ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon sa loob ng kanyang kuwarto sa Silang, Cavite.

Nangingitim na ang mukha at halos lumuwa ang dila ni Anjolyn Baysantos, 27, dalaga, ng Purok 5, Barangay Lumil, Silang, nang matagpuan ng kapatid niyang si Earon.

Ayon kay PO1 Isagani Estrada, dakong 7:30 ng umaga nang madiskubre ang dalaga na nakabigti sa loob ng kanyang silid.

Bagamat hindi kumpirmado, ipinalagay ng mga kaanak na posibleng na-depress ang biktima dahil matagal na itong walang mapasukang trabaho.
National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025