TABUK CITY, Kalinga— Nagpalabas ng P37.6 milyon ang national government sa pamamagitan ng Department of Tourism para isulong ang world-class adventure at eco-tourism destination sa Tabuk City.

Ayon kay City Tourism Officer Arlene Ethel Odiem, ang P12 milyon ay gagamitin sa pagpapasemento ng Dupag Access Road patungong jump-off area ng Chico River White Water Rafting Adventure habang P25.6 milyon ang inilaan sa pagpapaganda ng Naneng road patungo ng Heritage Village at sa ikalawang white water rafting jump-off area. - Wilfredo Berganio
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands