Muling binuhay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Financial Relief Assistance Program (FRAP) para sa overseas Filipino worker (OFW) na babalik sa bansa mula Libya, ayon kay Labor Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz.

“Alam natin na ang ating mga kababayan na uuwi mula Libya ay nawalan ng trabaho at kita,” pahayag ni Baldoz.

Base sa FRAP, makatatanggap ng P10,000 ayuda ang bawat OFW na bumalik sa Pilipinas mula sa Libya.

National

LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo

“Layunin natin ang makapagbigay ng tulong upang mabawasan ang epekto sa nawalang kabuhayan ng ating mga OFW,” giit ni Baldoz.

“The financial relief assistance of P10, 000 is a one-time grant to each qualified displaced OFW, whether a member of the OWWA or not, to help them adjust to their communities. The grant is part of the government’s repatriation assistance program which aims to cushion the impact of employment and income displacement affecting OFWs upon their repatriation to the country,” dagdag ni Baldoz.

Inatasan ni Baldoz ang OWWA na agad na magtayo ng sistema sa pamamahagi ng P10,000 financial assistance para sa mga kuwalipikadong repatriate na kukubrahin sa mga OWWA regional office simula sa susunod na linggo. - Ellaine Dorothy S. Cal