Olivia Wilde

WORKING mother si Olivia Wilde — at ipinakita niya ito sa isang sweet na bagong photo shoot.

Ang aktres ng Longest Week, na nagsilang noong Abril kay Otis, anak nila ng kanyang fiancé na si Jason Sudeikis , ay master multitasker sa kanyang bagong cover shoot para sa September issue ng Glamour magazine, na magtatampok ng mga litrato ng auburn-haired beauty habang nagpapasuso at nilalaro ang kanyang sanggol habang nagmomodelo rin ng isang couture.

Sa isang litrato, hawak ang 30-anyos ang kanyang naka-diaper na sanggol sa counter ng isang kainan na pinagdausan ng shoot, at masayang pinagmamasdan ang kanyang adorable son. Sa ikalawang shot, makikita siyang nakasuot ng black and white dress na bahagyang natatakpan ang dibdib habang pinasuso ang anak sa isang booth, isang mother-son moment na inilarawan niyang "natural."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Being shot with Otis is so perfect because any portrait of me right now isn't complete without my identity as a mother being a part of that," aniya sa mag, na ilalabas na sa Aug. 12.

"Breastfeeding is the most natural thing. I don't know, now it feels like Otis should always be on my breast. It felt like we were capturing that multifaceted woman we've been discussing — that we know we can be. You can be someone who is at once maternal and professional and sexy and self-possessed."

Gayunman, ayon kay Olivia, hindi ito palaging glamorous, "[But] I mean, I certainly don't really look like that when I'm [typically] breastfeeding. And there's usually a diaper involved."

Ibinunyag ni Wilde na hindi siya nahihirapang balansehin ang kanyang pagiging ina at ang kanyang karera, sa tulong ng kanyang sariling ina na si Leslie Cockburn, na writer at filmmaker na gumagawa ng mga dokumentaryo para sa PBS's Frontline at dating journalism professor sa Princeton. "My mom is such a badass working mother," aniya. "That inspired me when I was pregnant. I wasn't going to sacrifice myself because I was becoming a mother."

Tungkol naman sa wedding plans ni Olivia at ng 38-anyos na si Sudeikis.

"We're engaged, but no specific plans yet — we just have to find the time to put it together," aniya. "In many ways, a child is more of a commitment. We are fully committed and really happy as a family. And there's no definition of the 'normal family' anymore. Kids today are growing up with so many different definitions of family. I guess what I'm saying is that I don't feel any pressure to do it. But I think it will be really fun."

At hindi niya pinagsisisihan ang kanyang unang kasal sa Italian prince na si Tao Ruspoli. Ikinasal sila noong 2003, 19-anyos siya, at nagdiborsiyo noong 2011. Katwiran niya, "I wouldn't be this person" kung siya ito at binigyang diin na " [we] grew up [together]".

"Now I'm in a much wiser, more centered place in life," aniya. "I think if we can see people in our lives as chapters, we have a much healthier perspective about the whole thing. It's like it had to happen the way it happened. Jason and I lived two blocks away from each other for years and never met." - Yahoo Celebrity