Nagpatupad kahapon ng taas-singil ang Meralco, iniulat ni Spokesperson Joe Zaldarriaga ang hindi pa siguradong singil sa kuryente ay nasa P0.30 hanggang P0.50 kada kilowatthour (kWh).

Ayon kay Zaldarriaga, tumaas ang generation charge dahil sa hindi maiwasang kakulangan at problema sa generation nang manalasa ang bagyong Glenda nitong Hulyo.

Sinabi ni Zaldarriaga, katamtaman ang magiging dagdag-singil na halos P0.90 na ang nabawas sa generation cost noong Mayo, Hunyo at Hulyo na maliban sa dagdag na generation charge, ikakarga rin sa August bill ang singil na mapupunta sa National Power Corporation (Napocor).

“Pass-on charge ito na ginagamit sa pagpapailaw sa mga lugar na hindi naaabot ng suplay ng kuryente na papatak ng P0.04 kada kWh,” saad ng opisyal.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget