Joseph Marco

BUSY as a bee ang drama ni Joseph Marco ngayon dahil bukod sa hand to mouth na taping ng seryeng Pure Love ay nagso-shoot din siya ng Talk Back and You’re Dead na co-venture ng Viva at Skylight Films na idinirek naman ni Andoy Ranay.

Akala namin noong una ay sequel ng Diary ng Panget ang Talk Back and You’re Dead dahil sina James Reid, Yassi Pressman at Nadine Ilustre rin ang cast minus Andrei Paras na hindi raw pumuwede kaya nawala sa movie at si Joseph nga ang kapalit. Pero itinanggi ni Direk Andoy Ranay na may pinalitan si Joseph dahil wala naman daw sa orihinal na cast si Andrei.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunpaman, okay lang kay Joseph kung second choice man siya dahil ang importante sa kanya ay kasama siya dahil gustung-gusto niyang makatrabaho ang Viva artists lalo’t nag-click ang Diary ng Panget.

Natuwa kami kay Joseph Marco dahil naalala niya ang komento namin tungkol sa buhok niya na parang nakapomada at nasabihan tuloy siya ni Katotong Vinia Vivar na itsurang lumang tao siya. Aminado si Joseph na ito talaga ang problema niya.

“Eversince po ito talaga ang problema ko, nahihirapan din po kami kasi kulot saka makapal,” sabi ng binata.

Hindi rin naman daw siya makapagpagupit dahil kailangan sa continuity ng Pure Love.

“Pero sa movie po, naka-brush up para maiba at may kulay,” say ng bagets.

Kaya pala hindi na siya itsurang lumang tao.

Sa trailer ng Talk Back and You’re Dead, kulay pula ang buhok ni Joseph na kailangan sa papel niya bilang siga-siga. Pero sa presscon kahapon sa 9501 restaurant ng ABS-CBN ay ibinalik sa itim ang kulay nito.

“Siguro po next project ko, iibahin ko na,” napangiting sabi ng actor.

Muli naming tinanong si Joseph tungkol kay Empress Schuck at mega-deny pa rin siya na hindi sila magkarelasyon, at sa katunayan ay hindi na nga raw siya natutulog dahil sa kabisihan.

“Last week po nasubukan kong hindi matulog ng apat na araw, sa biyahe lang ako nakakaidlip, at surprisingly po kinakaya ko. Pero kung iisipin mo, imposible kasi  ang hirap po, but then again I just remind myself na, ‘it’s a good problem’.  It’s better to be busy than nothing. Sobrang vitamins na lang po, I take five vitamins in a day,” kuwento ng actor.

Pinag-usapan sa presscon ang maraming topless scenes ni James Reid sa pelikula nila kaya hinamon si Joseph ng entertainment press kung nagpakita rin ba siya ng katawan na tinawanan lang ng actor.

Hindi napilit si Joseph na ipakita ang abs niya tulad ng nakita rati kay James at ang sabi na lang ng binata ay makikita raw ito sa Cosmo Bachelors night.

“Mataba po kasi ako ngayon,” paliwanag ni Joseph, “hindi ako nakakapag-exercise, kapag wala kasing tulog, ang pinaka-energy is pagkain. I eat everything naman po, except rice.  I haven’t eaten rice for five years and a half na nu’ng una ay hinahanap ko, kasi mahirap, pero ngayon sanay na.  I eat naman pasta, bread, everything naman minus rice at less salt po.”

Pero nang masilip namin ang abs ni Joseph ay meron naman at matigas ang stomach niya.

Hindi gaanong nagtagal si Joseph sa presscon ng Talk Back and You’re Dead dahil segue siya sa taping niya ng Pure Love sa may Sto. Domingo, Quezon City.