Nilinaw kahapon ng Bureau of internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na walang bagong buwis na sisingilin ng ahensiya sa mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng BIR Revenue Memorandum Order (RMO) 23-2014.
Sa isang text message, sinabi ni Henares: “We would like to clarify that we did not impose any new tax.”
“We issued an RMO to clarify that under Section 32 of the Tax Code, all compensation, whether in cash or in kind whatever they may be called, are subject to income tax and therefore, proper withholding tax should have been deducted and remitted,” pahayag ni Henares.
Iginiit ng BIR chief na ang tax exemption ay hanggang P30,000 mula sa 13th month pay at mga bonus, na simulang ipatupad noong 1997.
Aniya, ipinalabas ni Henares ang RMO noong Hunyo 2014 upang maiwasan ang paglabag ng mga empleyado ng gobyerno sa Tax Code.
“The Corona impeachment put it to our attention that the Judiciary has been remiss in complying. Since Corona was impeached and we filed a tax evasion case against him, stemming from a violation of this, and because this is the law, we have to implement the same to everyone,” ayon kay Henares.
Noong Lunes, naghain ng petisyon ang mga kawani ng gobyerno sa Korte Suprema upang hilingin ang pagpapatigil sa implementasyon ng RMO 23-2014. - Madel Sabater Namit