Milos Raonic

TORONTO (AP)- Hindi perpekto si Milos Raonic.

Hindi niya kinailangang umabante sa Rogers Cup.

Naisagawa ni Raonic ang ilang erratic shots sa serbisyo kung saan ay nakabalik siya upang talunin si American Jack Sock, 4-6, 7-6 (2), 7-6 (4), sa center court kagabi sa Rexall Centre.

National

VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya

Sumisigaw ang fans ng ‘’Let’s go Milos! Let’s go Milos!’’ sa pagitan ng puntos at nagsihiyawan sa huling Canadian na natira sa field. Noong Miyerkules, ang lahat ng apat na kalalakihan na naglaro sa singles ay pawing nasibak.

Napasakamay ni Raonic ang momentum sa pamamagitan ng 15 aces na sadyang nakatulong sa kanyang ilang offset upang makabuwelta sa malalakas na serbisyo ni Sock. Napagtagumpayan nito ang 79 percent sa kanyang first-serve points ngunit naudlot sa unang set.

Sa second set, naikasa ni Raonic ang kanyang serve bago pinagulong si Sock sa tiebreaker. Nangailangan ang Canadian ng panibagong tiebreak upang tapusin ang laro. Makakatagpo ni Raonic si Julien Benneteau ng France ngayong gabi. Tinalo ni Benneteau si 11th-seeded Ernests Gulbis kahapon matapos na pataubin si Lleyton Hewitt sa first round.

Sa pag-ungos kay Sock, posibleng mapanatili ni Raonic ang kanyang nakaraang momentum. Napagwagian nito noong nakaraang linggo ang Citi Open sa Washington nang sibakin si Vasek Pospisil sa unang all-Canadian final sa kasaysayan ng tour isang buwan ng maging unang Canadian na nakatuntong sa Wimbledon semifinals.

Umentra si Raonic sa linggong ito na naipatas ang kanyang career high sa rankings sa No. 6 at sa ngayon ay may tsansang mapanatiling makatulay tungo sa pag-angat.

Nilimitahan muna ng manlalarong nasa rurok ng tagumpay sa rankings, si Novak Djokovic, ang kaagahan ng laro bago dinispatsa si Gael Monfils, 6-2, 6-7 (4), 7-6 (2).

Ikinasa ni Monfils ang lahat ng palo sa pamamagitan ng between-the-legs shot at paghataw ng kanyang raketa upang salubungin ang bola kung saan ay kapwa pinahanga nila ang crowd na noon ay sadyang naghihiyawan.

‘’He’s probably the only guy in the world, tennis player, that I would pay a ticket to watch the match,’’ pahayag ni Djokovic hinggil kay Monfils. ‘’He’s really fun to watch but not so much fun to play against. ... He loves jumping around, sliding, he’s very unpredictable. You don’t know what his next move is, so that’s why he’s so interesting.’’

Nakipagtalo si Monfils sa chair umpire na si Gerry Armstrong makaraang makatanggap ng time violation, bagamat ipinamalas nito ang matinding laro sa korte.

‘’In a way it was fun, of course, and entertaining to be part of this match,’’ saad ni Djokovic, makakaharap si Jo-Wilfried Tsonga sa susunod na round. ‘’I enjoyed it.’’

Sa pag-iwas sa umano’y pinakamalaking upset sa torneo, napanatiling buhay ni Djokovic ang posibilidad na makatagpo si eighth-seeded Andy Murray sa quarterfinals.

Nagkaroon muna ng problema si Murray sa kanyang pagkakapanalo sa opening match sa Toronto, sa pagsibak sa 19-anyos na Australian na si Nick Kyrgios, 6-2, 6-2, sa center court.

‘’He outclassed me. He did everything better than me,’’ pahayag ni Kyrgios, gumawa ng sariling pangalan nang gimbalin si Rafael Nadal sa Wimbledon. ‘’He played too good for me today.’’

Naging masaya naman si Murray, ang 2013 Wimbledon champion na ikinabahala ang kanyang back surgery, sa kinahantungan ng kanyang laro.

‘’I thought I did most things like pretty solid,’’ ayon sa Scot. ‘’I didn’t make too many errors. I moved well, (had a) high first-serve percentage.’’

Makikipaggitgitan si Murray kay 12th-seeded Richard Gasquet sa susunod na round.

Sa iba pang action, pinataob ni Gasquet ang hard-serving na si Ivo Karlovic, 5-7, 7-6 (5), 6-3; dinominahan ni fifth-seeded David Ferrer si American qualifier Michael Russell, 6-4, 2-6, 6-1; at pinatalsik ni seventh-seeded Grigr Dimitrov si Donald Young, 4-6, 6-2, 6-3.