James Jones, Mike Miller

INDEPENDENCE, Ohio (AP)– Sila ay naging bahagi ng puzzle sa Miami, “perfect fit” na matatawag.

Umaasa sina Mike Miller at James Jones na maging mahalagang bahagi mula sa Cleveland upang tulungan si LeBRon James na makuha ang titulo na magiging makahulugan sa superstar.

‘’Obviously,’’ ani Miller. ‘’Our goal is to win a championship.’’

National

Di nagbe-breakfast? Vlog ni Alice Guo binalikan, bet ang tuyo at kape sa almusal

Nahimok magtungo sa Cavaliers para sa pagkakataong muling makasama si James, sina Miller at Jones ay ipinakilala kahapon ng Cavs.

Pinagitnaan si Cavs general manager David Griffin, kapwa inilahad nina Miller at Jones ang kanilang excitement na maging bahagi ng homecoming ni James, ang pagbabalik na nais ng tubong Ohio na masundan sa pagtatapos ng 50 taong tagtuyot ng koponan para sa isang korona. Sina Miller at Jones ay nanalo ng back-to-back titles sa Heat kasama si James.

Alam nila kung ano ang kakailanganin upang manalo, at alam rin nilang hindi ito magiging madali.

‘’Winning a championship takes a lot of hard work. It’s one of the hardest things you’ll ever do,’’ saad ni Miller. “I was able to be a part, and James was able to be a part of an unbelievable ride in Miami.’’

At ngayon, muli silang maglalakbay kasama si James.

Dalawa sa magagaling na long-range shooters ng liga, bibigyan nina Miller at Jones ang Cleveland ng mas maraming sandata upang pandagdag sa kung ano ang mayroon na sila sa katauhan nina James, All-Star point guard na si Kyrie Irving, at posibleng maging si Kevin Love, na maaring magtungo sa Cavaliers sa isang trade sa Minnesota bago matapos ang buwan.

‘’It’s great,’’ sambit ni Jones. ‘’I relish the opportunity to play with LeBron once again and the chance to play with Kyrie because as a shooter that’s what you want, you want good looks. Sometimes the looks can be too open, it gives you too much time to think, but we’ll live with those problems.”

Kasunod ng isang nakadidismayang season, kinuha nila si Andrew Wiggins bilang No. 1 overall pick sa Draft, pinapirma si David Blatt bilang coach at si Tyronn Lue bilang assistant nito, sinuyo at nakuhang muli si James at pinapirma ang four-time MVP sa isang four-year separation, at nasungkit sina Miller at Jones na maaring masundan ng pagdating ni Love.

‘’I don’t know if you can have six months like we’ve had, but it’s been special,’’ sinabi ni Griffin.

At posible pa itong mas mapaganda. Kasama ng isang potensiyal na deal para kay Love, na magiging kapalit si Wiggins, interesado rin ang Cleveland na makuha ang free agent na si Ray Allen, ang pinaka-prolific na 3-point shooter sa kasaysayan ng liga.

Nakasama ni Jones si Allen kamakailan sa Connecticut at tinitimbang pa ang pagreretiro o ang pagsubok na makakuha ng ikaapat na kampeonato.

‘’We talked about those things that are important to us, which are families, our legacies and our careers,’’ sambit ni Jones. ‘’So he has a decision to make. Of course we’d love to have Ray. Hopefully he makes a decision that’s best for him, and hopefully it’s a decision to continue to play. But as far as where he goes and what he’s thinking, I don’t know.

‘’I’m pretty sure he knows the guys that are here up front, and LeBron, would love for him to play with us.’’