LAOAG CITY, Ilocos Norte — Sinuspinde ang mga klase sa Ilocos Norte noong Huwebes dahil sa malakas na ulan na dulot ng hanging habagat na pinatindi ng
bagyong “Jose”.
Iniutos ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang suspensiyon ng klase mula preschool hanggang high school.
“With the current reported rainfall rate in the province, the flood level possibility is very high; I’m asking all residents to stay inside their house for their safety,” aniya.
Nanawagan din si Marcos sa mga miyembro ng Provincial Resiliency Task Force (PRTF) na ilabas ang mga kagamitan para sa rescue operations. - Freddie Lazaro