Pinapayagan na ang mga aplikasyon ng baril na License to Own and Possessed (LTOP) sa probinsiya o sa lahat ng regional office ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.

Nabatid kay PNP-Firearms and Explosive Office (PNP-FEO) Director P/ CSupt. Muro Virgilio Lazon, layunin na maasikaso at matulungan ang gunowners na malapit nang mag-expire ang lisensya ng baril at kailangang maiparehistro ang mga pag-aaring armas.

Aniya, kailangang makapagcomply muna ang aplikante sa mga pangangailangan sa pagkuha ng LTOP gaya ng fingerprints, neuro psychiatric test, birth certificate sa NSO at ballistic test ng baril bago isumite sa mga regional offices ang aplikasyon.

Sa mga baril na binili mula noong Enero ngayong taon, hindi na kailangang kunan ng ballistic dahil sa mayroon na itong record sa kanila.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Maaring tumagal ng 21 araw ang buong proseso ng pagpaparehistro ng baril mula sa pagkuha ng mga kinakailangang dokumento sa pagpoproseso ng lTOP at pagkuha ng rehistro sa baril. - Jun Fabon