BEIJING (Reuters) – Pinagbawalan ng lungsod ng Xinjiang sa magulong western region China ang mamamayan na nakasuot ng head scarves, belo at may mahahabang balbas na sumakay sa mga bus, habang nilalabanan ng pamahalaan ang kaguluhan, isang polisiya na ayon sa mga kritiko ay nagdidiscriminate sa mga Muslim.
Ang Xinjiang, tahanan ng mamamayang Muslim Uighur na nagsasalita ng wikang Turkic, ay ilang taon nang binubulabog ng mga karahasan na isinisisi ng gobyerno sa Islamist militants o separatists.
Hinaharang ng mga awtoridad ang limang uri ng pasahero – ang mga nakasuot ng belo, head scarves, maluluwag na damit na tinatawag na jilbab, kasuotang may crescent moon at star, at mga may mahahabang balbas – sa pagsakay sa mga mga bus sa northwestern city ng Karamay, sinabi ng state media.