Determinado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panghuhuli sa mga colorum at out-of-line na sasasakyan na dumaraan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Kahapon hindi nakaligtas sa panghuhuli ng mga traffic enforcer ng MMDA ang 17 out-of-line at colorum na bus nang suyurin ng ahensiya ang north bound EDSA-Roxas Boulevard at Macapagal Avenue sa Pasay City.

Maagang pumuwesto ang mga traffic enforcer sa naturang lugar para sa “Operation Project Disiplina” ng ahensiya na layung pagaanin ang trapiko sa mga kalsada taliwas sa patakaran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa rationalization ng ruta ng bus na nagpapahintulot sa mga operator na bumiyahe muna habang inaayos ang kanilang aplikasyon.

Lumitaw na walang prangkisa ang karamihan sa mga pinara at hinuling bus habang ang ilan ay kulang sa mga dokumento at hindi naman ruta ang EDSA.

National

LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo

Inisyuhan ng ticket ang mga driver habang dinala sa impounding area ng MMDA ang mga bus.

Mistulang giyera o matinding away ang sagot na pagsuway ng MMDA sa ipinaiiral ng LTFRB na “No Apprehension Policy” ng colorum truck at ibang sasakyan na bumibiyahe sa Metro Manila na puno’t dulo ng problema sa mabigat na trapiko partikular sa EDSA, C5 at Katipunan Avenue