Jennylyn Mercado

SA isang interbyu, itinanggi ni Jennylyn Mercado ang napabalitang may nakakita sa kanya na ka-date ang naging boyfriend niya noon na si Dennis Trillo. Ipinagdiinan niya na hindi pa raw sila ulit nagkikita ni Dennis.

Pero aware kaya si Jennylyn na pinagtaasan siya ng kilay at pinagtatawanan ng isang artista na nakatrabaho niya sa isang drama show ng GMA Network?

“Anong sinasabi niya na hindi sila nagkikita ni Dennis, eh, kitang-kita namin mismo sila. Siguro hindi pa ulit sila nagkikita ulit pero kamakailan lang, eh, silang dalawa ang nakita namin,” sey ng artista ring source namin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Very vocal din si Jennylyn na hindi pa siya handa para maging kaibigan ang huling naging kasintahan niya na si Luis Manzano. Kung naging close na raw ang pinarangalang Female Kontrabida of the Year ng Yahoo Celebrity Awards sa mga dating boyfriend niyang si Dennis, si Mark Herras at si Patrick Garcia na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz ay hindi pa raw siya handang maging kaibigan si Luis Manzano.

“Naku, baka naman si Luis ang may ayaw. Kasi sa pagkakaalam ko, eh, sinubukan na rin niya noon na magpadala ng text kay Luis, pero dinedma siya. Kaya siguro tinigilan na rin niya,” hirit pa ng source namin.