Umentra ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Memorandum of Agreement (MoA) sa National Commission for Culture and Arts (NCCA) para sa garantiyang P125, 000.00 upang tustusan ang preservation, conservation at restoration ng PSC Museum collections.

Nagpadala ng sulat si PSC Chair Ricardo Garcia kay Hon. Felipe De Leon noong nakaraang Hulyo 30, 2013 na humihiling ng financial assistance para sa preservation, conservation at restoration ng PSC Museum collections.

Inabisuhan ni Marichu G. Tellano, Chief ng Plan/Policy Formulation at Programming Division ng NCCA, si Chairman Garcia mula sa kanyang sulat na may petsang Pebrero 18, 2014 na ang request ng PSC ay nagarantiyahan na.

National

Sen. Imee sa mga 'gigil' i-impeach si VP Sara: 'Demokrasya ang gusto n'yong paglaruan!'

Ang Memorandum of Agreement ay tinapos at nilagdaan ng dalawang ahensiya noong Hunyo 14, 2014 at ang proyekto ay magsisimula ngayong buwan.

Ikinagalak naman ng PSC at inihayag na ang NCCA ay isang napakatinding partner sa promotion sa mga ipinagmamalaking Filipino sports heroes sa layuning matulungang ma-preserve, conserve at restore ng medals, trophies, plaques at iba pang memorabilia na ipinagkatiwala sa PSC Museum na magsisilbing historical treasures ng bansa. Ang PSC Museum collections ay kinabibilangan rin ng orihinal na silver medal ni Anthony Villanueva, 1964 Olympic medalist sa boxing, bronze medal ni Teofilo Yldefonso, 2-time Olympic medalist sa swimming (1928 at 1932) at bronze medal ng 1954 Basketball team na nagwagi na nasa ikalawa sa World Basketball Championship sa Rio de Janeiro, Brazil.