ALDEN Richards

MASAYA si Alden Richards sa patuloy na pag-arangkada ng kanyang career. Matapos niyang makuha ang role bilang Dr. Jose Rizal sa historical primetime series ng GMA Network na Ilustrado, magiging co-host din siya ni Regine Velasquez-Alcasid sa pinakabagong Kapuso reality-talent search na Bet ng Bayan.

“It’s definitely a privilege to become part of a show like this that aims to discover nothing but the best Filipino talents across the country,” pahayag ni Alden na dumayo sa SM City Cebu noong Hulyo 26 para personal na mapanood ang scouting sa Queen City of the South.

National

Sen. Imee sa mga 'gigil' i-impeach si VP Sara: 'Demokrasya ang gusto n'yong paglaruan!'

“The experience, for me, was really inspiring knowing thousands of aspirants are ready to take a chance on fulfilling a lifetime dream. Sa Cebu pa lang, napakarami nang deserving makapasok at manalo. I just can’t wait for the show to air so the viewers can see the exceptional talents of our kababayans,” dagdag niya.

Kasabay ng Cebu ang two-day auditions sa SM City Bacolod na pinuntahan naman ng talented Kapuso singer na si Frencheska Farr.

Ang Bet ng Bayan ay proyekto ng Entertainment TV group ng GMA Network, sa pakikipagtulungan sa GMA Regional TV. Layunin nitong itampok ang kahanga-hanga at nakabibilib na talento ng mga bet ng bawat rehiyon hanggang sa mahanap at makilala ang best bet ng bansa.

“We take the effort to bring local talent to a national platform through Bet ng Bayan, by seeking them out where they are,” paliwanag ng program manager ng Bet ng Bayan na si Charles Koo. “Makikita natin sa show na ito ang galing ng bawat lugar, at sa paghaharap-harap ng iba’t ibang bayan, magkakaroon ng pagkakataon ang bet mo na maging Bet ng Bayan,” dagdag niya.

Bukas ang Bet ng Bayan sa lahat ng Pinoy singers, dancers, at iba pang novelty performers na gustong maipakita ang kanilang kahusayan sa alin man sa tatlong kategorya na Bet na Singer/s, Bet na Dancer/s, at Bet na Kakaibang Talento o Novelty Act.

Ang mga nais sumali ay kailangang maghanda ng one-minute act, at magdala ng kopya ng kanilang birth certificate, picture, at valid ID na may address.  Naka-schedule naman ang iba pang auditions sa SM City Naga (August 8 & 9); SM City Cagayan de Oro (August 9 & 10); SM City Davao (August 9 & 10); SM City Batangas (August 22 & 23); LCC Mall Legazpi (August 23&24); Robinsons Place Dumaguete (August 25 & 26); SM City Rosales (September 6 & 7); SM City Iloilo (September 6 & 7); at SM City Baguio (September 26 & 27).

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Bet ng Bayan, maaaring bisitahin ang www.facebook.com/BetNgBayan. Maaari ring alamin ang iba pang updates tungkol sa regional events ng GMA Network sa pamamagitan ng pag-follow sa Twitter at Instagram accountsnito: @GMARegionalTV.

Samantala, isang linggo bago ang Cebu leg ng Bet ng Bayan auditions, napanood si Alden ng mga Cebuano sa isang Kapuso Mall Show kasama si Max Collins sa Gaisano Island Mall Mactan na dinumog ng tinatayang 2,800 supporters.