Nakahanay ngayon ang Class Division, Handicap race at 2-Year-Old Maiden A sa walong karerang pakakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa race 1, panimula ng Super Six at Winner Take All (WTA), aarangkada ang Class Division 1B na paglalabanan ng 11 entry at ilan sa sinasabing magkakagitgitan ay ang Sangandaan, Cheer Leader, Qonquistaboy, Seeing Lohrke, at Symphony.

Sa race 2, pinapaboran ang Jazz Asia para sa 2-Year-Old Maiden A kung saan ay makakatagpo nito ang limang mananakbo. May karagdagang P10,000 premyo naman ang inilaan ng Philracom.

Maglalaban naman ang 10 kalahok sa Handicap Race 3 at minamataan dito ang Krissy’s Gift, Niagara Boogie at The Foutain Head sa race 3.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Magpapatuloy ang laban sa race 4 na paglalabanan ng anim na imported at inaasahang aarangkada ang Glorious Valentine, Mezzanine at Dark Beauty.

Sa pagpapatuloy ng Class Division 2 sa race 5, magkakasubukan ang 12 kalahok na pangungunahan ng Puma at binibigyan din ng panalo ang Getting Better, Asikaso at Think Twice.

Sa race 6, magtatagpo ang anim kalahok sa pamumuno ng Snake Queen, Well Well Well, at Chevrome at paratingan naman sa WTA sa race 7 ang Babes Magic, couple entry na Frieds For Never at Shining Gee at Gold Caviar.

Pagtutuunan naman sa race 8 ang Urgent, laban sa Going West, April Style, Specialist at Freedom Run para sa paratingan sa Super Six.