Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan First Division si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., at ang dating chief of staff niyang si Atty. Richard Cambe kaugnay ng pagkakadawit nila sa multi-bilyon pisong pork barrel fund scam.

Ang nasabing kautusan ay alinsunod sa mosyon ng prosecution panel sa anti-graft court na isailalim muna sa preventive suspension si Revilla habang nililitis ang mga kaso nitong plunder at graft.

Inatasan din ng hukuman si Senate President Franklin Drilon na kaagad na ipatupad ang kautusan.

Nilinaw ng korte na walang makukuhang benepisyo si Revilla at hindi rin siya maaaring gumanap ng trabaho sa Senado habang suspendido.

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Paliwanag ng hukuman, layunin ng suspensiyon na maiwasang maimpluwensiyahan ni Revilla ang mga opisyal habang iniimbestigahan ang senador.

Una nang sinuspinde ng Sandiganbayan sina Senators Juan Ponce-Enrile at Jinggoy Estrada kaugnay pa rin ng scam.