Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na isang tugboat ang tumaob sa dagat na sakop ng Barangay Bagulangit sa Anilao, Batangas, noong Sabado ng hapon.

Ayon kay PCG (PCG) Spokesperson Armand Balilio, bandang 4:50 ng hapon nang hampasin ng malalaking alon ang tugboat na Gothong 3 habang hinihila ng isa pang tugboat na Gothong 5.

Sinabi ni Balilo na kaagad na nailigtas ng technical diving team ng Coast Guard ang tatlong tripulante ng tugboat.

Samantala, pinagbabawalan na ng Coast Guard ang maliliit na barko na pumalaot bunsod na rin sa napakalakas na hangin at pag-ulan na dulot ng heavy monsoon.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University