MELISSA Ricks

IPINALABAS kahapon sa The Buzz ang exclusive interview ni Boy Abunda kay Melissa Ricks.

Super blooming ang aktres na hindi mo aakalain na apat na buwan na ang ipinagbubuntis niya.

“Taped as live” ang interview ng King of Talk kay Melissa. Emosyonal ang aktres sa paguusap nila ni Kuya Boy. Napaiyak si Melissa lalung-lalo na nang ikuwento niya kung paano niya sinabi sa mga magulang niya ang tungkol sa pagbubuntis niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama ang kanyang kapatid, kasalukuyang nasa America ang kanyang parents.

Siyempre, andu’n ang takot ng aktres at hindi raw talaga niya kayang umpisahan ang pagamin sa mga magulang tungkol sa kalagayan niya. Idinaan niya muna ang nerbiyos sa pagdarasal at paghingi ng guidance sa Diyos.

Hiningi rin ni Melissa sa Diyos na sana ay maging maayos ang pagtatapat niya sa magulang niya at matanggap agad ng mga ito ang kanyang sitwasyon.

Saka lang nakahinga nang maluwag at parang nabunutan ng tinik ang Star Magic talent nang maging maayos nga ang pagtanggap ng kanyang ama’t ina sa kalagayan niya. Katunayan, excited ang kanyang ina na si Mommy Josie at gustong umuwi agad sa Pilipinas. Sa Disyembre pa ito nakatakdang umuwi.

Lalo siyang nakampante nang marinig ang pag-aalala ng mga magulang at kapatid niya sa kalagayan niya.

Samantala, full support naman sa pagbubuntis ni Melissa ang Star Magic at maging ang lahat ng mga kaibigan niya sa showbiz sa pangunguna ni Bianca Manalo na naging daan para makilala niya ang ama ng kanyang magiging anak na si Charles Togesaki.