NAKAUSAP namin sa burol sa Tondo ng actor at dating That’s Entertaiment member na si Jonathan Darca ang isang dati ring miyembro ng dating programa ni Kuya Germs sa GMA-7.

(Our condolences sa lahat ng mga naulila ng dating actor na isa sa mga paboritong actor dati ni German Moreno.)

Napapailing at natatawang kuwento sa amin ng isa mga dating alaga ni Kuya Germs, nagkaroon siya ng pagkakataon na mapasama kamakailan sa ginagawang pelikula ng isa sa mga hinahangaan niyang aktres na aktibo ngayon sa paggawa ng indie movies.

Sobrang idolo raw niya ang aktres dahil sa kahusayan nito sa pag-arte. Kaya tuwang-tuwa raw siya kahit ekstra lang ang papel niya. Katunayan, hindi na lang sana niya tatanggapin noong una ang role na ibinigay sa kanya sa indie movie, pero dahil sa hinahangaan niyang artista ay ginanahan siyang magtrabaho kahit ekstra lang.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Magaling pa rin naman siya. At nasa kanya pa rin ang acting na sa kanya mo lang yata mapapansin, pero ang nakaka-turn off, eh, ‘yung mga isinuot niyang gamit. To think na isang mayaman ang papel niya pero hindi mo makikita ‘yun sa mga suot niya at pati na ang suut-suot niyang sapatos, eh, hindi lang may kalumaan kundi nakanganga pa ang suwelas,” kuwento ng aming source.

Alam naman ng dating member ng talent show ni German Moreno na yumaman nang husto ang iniidolo niyang aktres at super ang kadatungan ng nito noong kapanahunan nito kaya nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ka-cheap ang mga dala-dalang kagamitan nito.

Pero biglang bawi namang binanggit ng source namin na baka raw hindi lang napapansin ng aktres at ng mga kasama nito ang mga nadala nilang isusuot.

Nang tanungin namin ang kakuwentuhan namin kung hanggang ngayon ay iniidolo pa rin niya si Aktres, mataray at may diin ang sagot niyang: “Hindi na, ‘no!”

Sinitch ititch? Knows n’yo na, aminin!