Jake Vargas

TUWANG-TUWA si German “Kuya Germs” Moreno na napapansin na ng mga kritiko ang kanyang alagang si Jake Vargas. Magaganda raw ang feedbacks na natatanggap niya hinggil sa performance ni Jake sa pelikulang Asintado.

KAsali ang Asintado sa Cinemalaya Film Festival na kasalukuyang isinasagawa sa CCP at sa Ayala at Trinoma cinemas. Sabi ni Kuya Germs, marami-rami nang nasamahang indie movie si Jake pero ngayon lang ito nakasali sa pelikulang kalahok sa Cinemalaya.

Ang ibang indie movie ni Jake ay napapanood ng mga estudyante hanggang ngayon sa mga eskuwelahan lalung-lalo na sa mga probinsiya.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Dagdag pa ni Kuya Germs, sa palagay daw niya ay nabigyan naman ng hustisya ni Jake ang papel na ginampanan sa Asintado pero hindi naman siya umaasa na mabibigyan ito ng award.

Ang Asintado ay pinamahalaan ni Direk Louie Ignacio at pinagbibidahan ni Aiko Melendez na malakas ang laban bilang best actress ng Cinemalaya versus Nora Aunor.

Kasama rin sa Asintado sina Gabby Eigenman, Miggs Cuaderno, Rochelle Pangilinan, Rita de Guzman, at maraming iba pa.