Matapos magpalabas ng P1 milyon halaga ng pabuya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa makapagbibigay ng impormasyon sa agarang pagdakip sa responsable sa pagpatay sa champion race car driver na si Ferdinand “Enzo” Pastor noong Hunyo 12, tiniyak ng alkalde na hindi niya titigilan ang pagtutok sa kaso hanggang maresolba ito ng awtoridad.

Binaril at napatay ng nakamaskarang gunman si Pastor habang nasa panulukan ng Visayas Avenue at Congressional Avenue sa Quezon City, nang minamaneho nito ang truck na kinalululanan ng kanyang race car patungong Clark International Speedway para sa Asian V8 Championships.

Sinabi ni Duterte na personal niyang kaibigan si Pastor at sinusundan niya ang lahat ng nakamit ng batang race car driver simula nang manalo ito sa 2002 Asian Formula Renault.

“Dapat maging proud tayo sa mga motorsports achievements na dinala niya sa ating bansa. Ang kanyang kahindik-hindik na kamatayan ay hindi lamang kawalan sa kanyang pamilya at mga anak kung hindi si Enzo ay kawalan din sa ating bansa,” pahayag ni Duterte.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

Samantala, ibinunyag naman ng source mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na kapag nalalasing ang mga gunman ay ipinagyayabang pa nila sa kanilang mga kaibigan ang pagkakapatay nila kay Pastor kaya lumalalaki ang posibilidad na may makapagtuturo sa bumaril sa biktima.