ANG gobyerno ng Kingdom of Denmark ay naghahanda sa muling pagbubukas ng kanyang Embassy sa Pilipinas, bilang bahagi ng kanyang programa na irestructure at isamoderno ang Danish foreign service at palakasin ang diplomatic at bilateral relations ng dalawang bansa. Inihayag ng Ministry of Foreign Affairs noong Enero 16, 2014 na pagkatapos ang 14 taon ng pagkawala sa Pilipinas, nakatakdang muling ipagpapatuloy ng Denmark ang kanyang presensiya sa bansa sa Agosto 1, 2014. Ang Pilipinas ay kabilang sa apat na diplomatic posts na bubuksan ng Denmark ngayong taon, kasama ang Nigeria, Colombia at Myanmar.

Sinabi ng Denmark na magbubukas ito ng kanyang mission sa mga rehiyon at bansa na sumisigla ang ekonomiya at may malaking potensyal. Ang Danish investors ay partikular na nakatutok sa Pilipinas dahil sa three-credit rating upgrades noong 2013 at sa lumalawak nitong ekonomiya. Ang Pilipinas ay nagposte ng economic growth na 7% sa 3rd quarter noong 2013, ang pinakamataas at pinakamabilis sa Southeast Asia.

Umaasa ang bansang Scandinavian na ang diplomatic relations sa Pilipinas at sa tatlo pang mga bansa ay magbibigay dito ng access sa mahigit 300 milyon pang mamamayan at konsumidor, kabilang na mga umuusbong na merkado gaya ng Pilipinas. Pinagaganda nito ang kanyang ugnayan sa mga bansa na may mataas na growth rates dahil ang mga embassy ay makatutulong sa pagbebenta ng mga Danish na kalakal, na mangangahulugan ng dagdag na trabaho para sa mga Danes. Ang bilateral trade ng Pilipinas sa Denmark ay rumehistro sa $107 million noong 2012.

Ang muling pagbubukas ng Danish Embassy ay isang pagkilala sa malaking potensiyal para sa bilateral cooperation sa ilang larangan sa pagitan ng Pilipinas at ng Denmark, ayon sa Department of Foreign Affairs. Ang Danish Embassy sa Pilipinas ay tumigil sa kanyang operasyon noong 2002. Kasalukuyang pinananatili ng Denmark ang kanyang ugnayan sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang honorary consulates sa Manila, Cebu, at Davao.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Naistablisa ang bilateral relations ng Pilipinas at ng Denmark noong 1946 at nagtatamasa sila ng magiliw at malakas na ugnayan lalo na sa maritime sector. Mahigit 5,000 manggagawang Pilipino ang nagtatrabaho sakay ng Danish-operated vessels, habang 10,500 overseas Filipino workers (OFWs) ang nagtatrabaho bilang au pairs (domestic assistant mula sa isang banyagang bansa na nagtatrabaho bilang parte ng isang host family) o nasa service industry, bumubuo ng 1% ng 9.45 milyong OFWs. Mayroong 374 Danes ang nasa Pilipinas, halos 1% ng 92.1 milyong banyagang naninirahan sa bansa.