LEO Austria

Lumagda ng isang taong kontrata si Leo Austria sa kompanya ng San Miguel Corporation bilang bagong head coach ng San Miguel Beermen sa papasok sa ika-40 taon ng Philippine Basketball Association (PBA) na pormal na magbubukas sa Oktubre.

Naging sorpresa para kay Austria ang nasabing “coaching job” mula nang magdesisyon ang kompanya na huwag nang magpatuloy sa kanilang partisipasyon sa Asean Basketball League sa kalagitnaan ng 2013.

“Siyempre, sobrang thankful pa rin ako kasi bibihira ang ganitong opportunity,” pahayag ni Austria na nanood ng laro ng kanyang alma mater Lyceum of the Philippines noong nakaraang Sabado sa NCAA.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“Gusto kong pasalamatan siyempre si boss Ramon Ang, si Sir Robert Non at si coach Alfrancis Chua dahil sa ibinigay nila sa aking magandang pagkakataong ito,” dagdag pa ni Ausatria na muling magbabalik sa PBA matapos na magkaroon ng maikling stint bilang head coach noong 2004 para sa koponan ng Shell kung saan din siya nagsimula ng kanyang career bilang professional player noong 1985 at nagwagi pa ng parangal bilang Rookie of the Year na nasundan ng tatlong taong coaching job para sa koponan ng Welcoat bago siya nagbitiw noong 2008.

Ayon pa kay Austria, sisikapin niyang hindi masayang ang tsansang ito na ibinigay sa kanya.

Sinabi din ng dating Adamson coach sa UAAP na hindi niya tinitingnan ang haba ng kontrata kundi ang mahalagang pagkakataon na napasakamay niya upang maipakita ang kanyang kakayahan at nalalaman bilang coach.

Huling hinawakan ni Austria bilang head coach ng San Miguel Beermen sa ABL kung saan ginabayan niya ang team tungo sa kampeonato noong 2013 bago ito nag-disband.