Vhong Navarro

SINA Vhong Navarro at Carmina Villaroel kasama si Louise Abuel ang bida sa isang buwan na Wansapanataym na naghahatid sa buong pamilya ng mga kuwentong puno ng magic at mahahalagang aral sa buhay.

Ngayong gabi na ang premiere telecast ng kanilang Wansapanataym special na pinamagatang “Nato de Coco” na halaw sa isa sa mga obra ng batikang comics master na si Rod Santiago, at mapapanood na bibigyang-buhay ni Vhong ang karakter ni Oca, ang ama ni Nato (Louise), at isang mahusay na basketball player. Ngunit dahil sa pagiging abala sa kanyang career, mawawalan si Oca ng panahon sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak na lubos na humahanga sa kanya.

Makabawi pa kaya si Oca sa mga pagkukulang niya sa kanyang pamilya? Sa sandaling malagay ang buhay niya sa panganib, paano pa mapoprotektahan ni Oca ang anak na si Nato?

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasama rin sa cast ng “Nato de Coco” sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, Epi Quizon, at Yogo Singh mula sa panulat ni Noreen Capili at prodyus ng Dreamscape Entertainment Television.