Solenn Heussaff

MUKHANG malayo sa bokabularyo ni Solenn Heusaff ang salitang kasal. Para sa kanya, wala naman daw itong pagkakaiba sa pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan, maliban sa kapirasong papel.

French kasi si Solenn kaya iba ang paniniwala niya bukod pa sa Argentinian naman ang boyfriend niyang si Nico Bolzico.

“Settled down na naman ako, almost three years nagli-live in na kami,” sabi ni Soleen. “’Pag may singsing, same, wala namang mag-iiba.”

National

Nika, napanatili ang lakas habang tinatawid ang Northern Luzon

Pero hindi pa rin naman niya inaalis sa isipan ang araw na lalakad siya patungong altar.

“Hindi ako pressured. Siyempre naman, it’s every girl’s dream, but if it doesn’t happen now, hindi ako iiyak,” say ng dalaga. “’Pag ikasal ako, sa abroad for sure, kasi gusto ko maliit ‘yung wedding. Ayoko mag-invite ng mga hindi close. Kahit sa family ko, I’m not so close to everyone, so gusto ko lang sixty people sa wedding -- thirty sa side ko, thirty sa side niya.”

Maganda ang pagsasama nina Solenn at Nico dahil wala silang pakialamanan pagdating sa trabaho.

“Parang ayoko, kasi after, maraming intriga. You all know I hate intriga. He can do his own thing. Kung gusto niya, gagawin ko, pero choice ko lang, ayaw ko. His work is his work, mine is mine,” katwiran ng aktres.

Pero may insecurities din siya, taliwas sa inaakala ng ibang tao.

“Siyempre hindi naman din alam ng iba na kailangan ko ring mag-diet for me to maintain my figure. Dati kasi I don’t think about it, the future, the physical health, pero the older you get, nagiging conscious ka na, so you have to maintain.

“That’s why it’s my first time to have this slim laser, before kasi wala talaga pati facial-facial, I don’t have that, now lang. Timing din kasi nu’ng naisip ko ‘yung mga ‘yun, biglang dumating ang offer ni Dr. (Manny) Calayan, na total package na kailangan ko, so bakit pa ako tatanggi, di ba? Plus all of my friends recommended him,” kuwento ni Solenn nang makatsikahan namin.