Joey Marquez, Richard Gomez and Jon Estrada

Ni CHIT A. RAMOS

PALIBHASA LALAKE strikes again and again and again!

Sinimulan ni Joey Marquez ang kabit-kabit na panalo bilang best supporting actor sa On The Job movie na pinagbidahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson at Joel Torre at hindi lamang dito sa ‘Pinas ipinalabas kundi internationally.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sumunod si Richard Gomez na binigyan ng standing ovation sa premiere night ng She’s Dating The Gangster dahil sa 5 to 10-minute outstanding scene niya with Dawn Zulueta. Mula sa Star Cinema at pinagbibidahan ng phenomenal love team nina Daniel Padilla Kathryn Bernardo, hanggang ngayon on it’s third week ay nanalasa pa rin sa takilya ang naturang pelikula, sa kabila ng sunud-sunod na mga bagyong Glenda, Henry, Inday at Jose.

Ginimbal naman ni John Estrada ang madlang pipol sa hindi inaasahang twist sa adult dramang Trophy Wife mula sa Viva Films dahil “kinawawa” niya si Cristine Reyes, sa eksenang tiyak na hindi na makakalimutan ng mga dumalo sa premiere night pa lamang ng pelikula sa Greenbelt at Megamall.

Hindi rin nanalo sina Henry at Inday para pigilan ang pagdagsa ng mga tao sa mga sinehang pinagtatanghalan ng Trophy Wife. Isang buong taon kasi nilang hinintay ang pelikulang ito ni Derek Ramsay na inabot ng iba’t ibang aberya, but it was worth the wait afterall. Tiyak ding aani ng best actor award si Derek at best actress naman si Cristine Reyes.

Matatandaang sina Richard, Joey at John ang tampok na bida sa matagal na naging top-rater na comedy series ng ABS-CBN at ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Ilang beses nang pinagplanuhan ng Dos ang pag-revive sa Palibhasa Lalake pero laging hindi tumutugma ang kanilang busy skeds. Abala pa kasi noon si Joey, bilang mayor ng Parañaque City. Si Richard naman ay naglalagari sa mga show sa GMA, eventually sa TV5. At si John ay naging malaking sorpresa dahil mula sa pagiging “bulol” na Ilonggo sa sitcom, he emerged as one of the best character actor sa TV at sa pelikula.

Ngayong nag-iinit na naman ang showbiz sa kanilang presence, balitang nag-iinit na rin ang interes ng top execs ng ABS para matuloy ang kanilang pagbabalik sa isang show tulad ng Palibhasa Lalake.

Abangan ang susunod nilang kabanata!