PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Sa kagustuhang makatulong sa mahihirap na may mga nakabimbing kaso sa iba’t ibang korte, nagbukas na ng district office ang Public Attorney’s Office (PAO) sa lungsod na ito, batay sa direktiba ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta.

Itinalaga si Atty. Dino M. Adriosula, Public Attoney II, bilang officer-incharge.

Bukod sa mahihirap sa Palayan City, sakop din ng bagong tanggapan ng PAO ang mga bayan ng Bongabon, Laur at Gabaldon sa Nueva Ecija. - Light A. Nolasco

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho