Robin & Mariel_REGGEE copy

NAG-PICTORIAL na kahapon sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez bilang hosts ng Talentadong Pinoy at sa Agosto 7 naman ang first taping day nila.

Tinawagan namin ang misis ni Binoe para hingan ng karagdagang detalye tungkol sa pagho-host nila ng talent reality show ng TV5.

“Oo, may pictorial na kami at sa August 7 (Huwebes) na ang first taping namin, actually hindi ko pa alam kung ano, basta sabi may taping na,” bungad ni Mariel sa amin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala palang alam si Mariel na isinama siya ni Robin sa Talentadong Pinoy dahil ang asawa lang niya ang kausap ni Mr. Manny V. Pangilinan, chairman ng TV5.

“I have no idea, Reggs, kasi all I know, it was Robin lang, eh, hindi ko naman alam na kasama ako, so parang husband and wife ang concept na wala pa naman daw ganu’n sa TV kaya TV5 ang magsisimula ng ganu’n.

“So, thankful ako kasi balik-TV na ako, siyempre mayroon na naman akong kabuhayan showcase, ha-ha-ha, so I can buy naman a little for myself. Pero masaya rin naman ako na nagluluto lang, ha-ha-ha,” tuluy-tuloy na pahayag ng TV host.

Ilang buwan na ring hindi napapanood si Mariel sa TV simula nang masibak ang programa ni Willie Revillame at ang pinagbuhusan na lang ng oras ni Mrs. Padilla ay ang pagluluto ng organic food na ipino-post niya sa Instagram ang recipe para may mai-share raw siya.

“Oo, masaya na ako sa ganu’n, marami akong natutunan,” sabi niya. 

Nakaplano na pala sanang lumipat patungong Spain sina Robin at Mariel para mag-aral ang huli ng raw organic food, pero biglang dumating ang offer ng Talentadong Pinoy lalo’t magkasama pa silang mag-asawa bilang hosts.

“Wala pa kasing ganu’n (raw organic food sa Pilipinas), eh, doon sa Spain ang mayroon so iyon ang plano ko. Eh, biglang heto dumating nga ang Talentadong Pinoy, eh, siyempre dito na muna ako, parang kabuhayan showcase nga, di ba? Timing din kasi si Robin ginagawa ang Bonifacio movie, so stay kami rito,” kuwento ni Mariel.

Hindi exclusive ang contract si Mariel sa TV5, “Freelancer ako, Reggs.”

At kung hindi kami nagkakamali ay dalawang season ang Talentadong Pinoy na aabot hanggang Disyembre, kaya ayon kay Mariel ay purnada ang kanyang US tour kasama ang lolo’t lola niya.

“Ang galing mo, alam mo agad na two seasons?  Actually, nang malaman ko na aabutin ng December, nag-panic ako kasi may tickets na kami for US trip namin nina Lolo’t Lola kasi ipapasyal namin si Lola, first time niya kasi before na-deny siya (ang visa) so now go na. Eh, since may Talentadong Pinoy pa, so I have to adjust, baka maunang lumipad sina Lolo at Lola, susunod na lang ako,” pahayag ng TV  host.