KUALA LUMPUR, Malaysia (AP)- Pinataob ni top-seeded Kei Nishikori ng Japan si fourth-seeded Julien Benneteau ng France, 7-6 (4), 6-4, noong Linggo upang mapasakamay ang Malaysian Open.

Naglaro sa kanyang unang tournament simula nang umakyat sa finals U.S. Open, napagwagian ni Nishikori ang 72 percent ng kanyang service points sa finals upang iabalot ang panalo sa loob ng 1 oras at 47 minuto.

‘’I was waiting for my opportunity,’’ saad ni Nishikori. ‘’I had so many break points and I couldn’t take them. In the last game, he got a little bit tight and I took my chance.’’

Nakipagsabayan si Benneteau, taglay sa ngayon ang 0-10 record sa ATP World Tour finals, sa title match sa Malaysian Open sa ikatlong sunod na pagkakataon. Inungusan nito si Nishikori sa pamamagitan ng break sa serve sa uang set, ngunit ‘di niya mamintina ang kanyang kalamangan bagamat naisalba nito ang siyam sa kanyang 10 break points.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

‘’Kei was simply too good in the key moments,’’ giit ni Benneteau. ‘’Especially at the end of the first set. I had some chances, but against these kinds of players they are small chances and you have to take them.’’

Ang 24-anyos na si Nishikori, 44-10 para sa season, ay may 6-4 record sa tour-level finals at naidagdag ang kanyang panalo sa kaagahan ng taon sa Memphis at Barcelona.