Patay ang isang lalaki sa Iloilo City matapos siyang kagatin at lingkisin ng isang 11.5 talampakang sawa sa Iloilo City nitong Linggo, Enero 11.Sa ulat ng Manila Bulletin, namatay ang biktimang nagngangalang 'Julius' sa isang dike sa Barangay Bolilao, Distrito ng Mandurriao.Kuwento ng mga residente, nagising umano sila bandang 4:30 ng madaling araw dahil sa isang malakas na pagbagsak at...
BALITA
De Lima, aprub sa hirit ni Vice Ganda: 'Babawi ako sa ipinagkait na halos 7 taon sa aking buhay!'
January 11, 2026
Mga nasawi sa pagguho ng Binaliw landfill, nadagdagan pa ng 2! – BFP 7
Banat ni Roque: Malaki ang pagsisisi ko sa pagsuporta sa UniTeam!
Palasyo, binutata pahayag na may impeachment laban kay PBBM
Metropolitan Theater, magbibigay ng libreng guided tour kada buwan
Balita
Nag-viral sa social media ang alagang uwak ng alkalde ng bayan ng President Roxas, Capiz matapos nitong tangayin ang ₱10,000 na nakalaan sana bilang bonus, ayon sa kumpirmasyon ng mga lokal na opisyal.Ayon kay Mayor Receliste Lachica Escolin, ang pera ay inilagay sa isang mesa at nakatakdang ipamahagi bilang bonus sa kaniyang negosyo. Pansamantala umano niyang naiwan ang salapi habang abala siya...
Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa kamakailan na pagguho ng Binaliw landfill, ayon sa pahayag ni Cebu City Mayor Nestor Archival, nitong Sabado, Enero 10. Base pa sa pahayag ng alkalde, 12 indibidwal na ang nadala sa ospital, habang nagpapatuloy pa ang “search and rescue operations” para mahanap ang naitalang 36 pang nawawala mula sa pagguho. “As of the latest data, 12...
Viva Pit Señor!Kinulayan at pinaingay ng iba’t ibang sayaw at ritmo ang mga kalsada sa Cebu bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng Sinulog 2026 noong Biyernes, Enero 9. Binuksan ang selebrasyon sa pamamagitan ng misa simula 2:30 ng hapon hanggang 3:30, na sinundan ng launching parade simula Basilica Minore del Santo Niño de Cebu patungong Cebu City Sports Center. Ayon sa mga ulat,...
Isang 15-anyos na dalagita na dalawang araw nang nawawala ang natagpuang pugot ang ulo sa isang tubuhan sa Sitio Sinait, Barangay Dagat-Kidavao, Valencia City, Bukidnon. Ayon sa pulisya, ang biktima na isang high school student ay iniulat na nawawala noong Enero 6 matapos hindi makauwi mula sa paaralan.Sinabi rin ng pulisya na patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng krimen at ang...
Inaresto ng pulisya ang isang babae na nagpakilalang vlogger mula sa Bacolod City matapos umanong manigarilyo, dumura sa mga deboto ng Señor Santo Niño at manakit ng isang pulis madaling-araw ng Huwebes, Enero 8, 2026, sa Osmeña Boulevard, Cebu City.Batay sa kuha ng video na kumalat online, makikita ang isang pulis na sinusubukang pakalmahin ang babae, ngunit sa halip ay hinampas niya ito...
Namataan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagbagsak ng abo sa iba’t ibang local government units (LGUs) nitong Huwebes, Enero 8, mula sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ang nasabing LGUs ay ang mga sumusunod: Legazpi City, Ligao City, Guinobatan, Bacacay, Camalig, at Anislag sa Daraga, Albay. Namataan din ng PHIVOLCS ang pagkakaroon ng dome-collapse...
Dinakip ng mga awtoridad ang isang lalaking bagger mula sa isang mall sa Barangay Mabolo sa Cebu City matapos umano niyang magnakaw ng isang pack ng branded na condom na may presyong ₱387.75 noong Martes, Enero 6.Ayon sa mga ulat, nagsagawa ng inspeksyon para sa mga empleyado at saktong nakita ang pakete ng condom sa loob ng pantalon niya, na hindi naman binayaran sa kahera.Agad naman siyang...
Isang pugot na ulo ng sanggol ang natagpuan matapos makita sa bibig ng isang asong gala sa upland barangay ng Campo 7 (Siete) sa bayan ng Minglanilla, Cebu.Ayon sa mga residente, pinaniniwalaang nilapa at kinain ng tuta, kabilang ang isang inang aso, ang katawan ng bagong silang na sanggol.Batay sa mga nakalap na salaysay ng mga awtoridad, nakita ang isang asong gala na may hawak na isang...
Kasama ang kaniyang ama, sumuko na ang suspek sa pagpatay sa sarili niyang ka-live-in partner na isinilid pa niya sa storage box noong Enero 2, 2026.Matatandaang natagpuan ang bangkay ng babae sa loob ng storage box sa ilog sa Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte. Ibinyahe pa ito patungong Camarines Norte mula sa Laguna. Kinilala ang biktima na si Anelis Abamonga, 38, mula sa Barangay...