Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang Filipino American na si Romier Taguiam Narag matapos mapatunayang nagkasala sa pagpatay sa kaniyang dating misis sa harap ng kanilang mga anak.
Batay sa desisyon ng korte, sinentensiyahan si Narag ng 64 na taon hanggang habambuhay na pagkabilanggo matapos siyang hatulang guilty sa pagpaslang sa kaniyang 27-anyos na dating partner na si Frances Kendra Lucero noong 2023 sa loob ng bahay ng mga magulang ng biktima sa Daly City, California.
Noong Pebrero, napatunayang nagkasala si Narag ng isang hukom sa kasong first-degree murder na may karagdagang parusa dahil sa paggamit ng baril sa krimen.
Napatunayan din siyang guilty sa “one count of misdemeanor child abuse, one count of felony child abuse and of an enhancement for using a firearm during the commission of the felony child abuse,” ayon kay Lucas King, Deputy District Attorney ng San Mateo County.
Ayon pa sa mga ulat, inamin umano ni Narag sa korte na “she pushed my buttons and it just happened.”
Ayon naman sa kaniyang abogado, kumilos umano ang akusado dahil sa matinding galit at selos sa dating live-in partner na ayaw na umano sa kaniya.
Sa isang pahayag na ibinahagi ng San Mateo County District Attorney’s Office, sinabi ng hukom sa paghatol na, “The defendant has orphaned his own children and the devastation will last their entire lives.”
Samantala, sinabi ng ina ng biktima na si Liezel Lucero na bagama’t nakamit na nila ang hustisya, nananatili pa rin ang sakit ng pagkawala ng kaniyang anak.
“Finally we have won justice,” aniya. “We have closure, yes, but there’s nothing to celebrate because Frances is not here. I constantly worry about the safety of my family and the welfare of my motherless grandchildren.”
Ayon sa imbestigasyon, magkasama sa hapunan ang suspek at biktima at ang kanilang dalawang anak sa araw ng insidente kahit hiwalay na silang nakatira.
Matapos ang hapunan, sinundan umano ni Narag ang biktima patungo sa bahay nito.
Ayon kay King, “After dinner Narag followed in his car to Frances’ home where he pulled out a handgun and fired a shot at her and missed. (Frances) tried to get out of the house, tried to get away, but he tried to stop her from going. She screamed ‘stop’ but he shot her again, and again. After shooting her five times, he screamed at her and blamed her.”
Nagkaroon ng isang anak na lalaki at isang anak na babae sina Lucero at Narag sa loob ng pitong taong relasyon na inilarawan ng pamilya ng biktima na “on and off.”