Nagkomento si Sen. Robin Padilla hinggil sa mga nagsasabi umano sa kaniya bilang tuta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa video interview na ibinahagi ng Facebook page na Alvin and Tourism noong Biyernes, Marso 13, 2026 na may petsang Marso 12, ipinalinawag ni Padilla kung ano raw mismo ang pinanghahawakan niya para kay dating Pangulong Duterte.
“Sasabihin nila, 'Eto si senator, masyado utong tuta ni Duterte.' Sabihin n'yo na ho ang gusto n'yong sabihin,” ani Padilla.
Dagdag pa niya, "Andon ho ako sa mundo na [noong] panahon ni Digong, nagkaroon ng pag-asa. Nagkaroon tayo ng pag-asa na isang araw ay magiging progresibo tayong bansa.”
Matatandaang minsan na ring nag-viral ang naging pahayag noon ng senador hinggil sa pangangamoy Duterte rin daw niya kahit siya ay sunugin pa.
“Kami, Duterte kami. 'Di ba malinaw naman siguro 'yon? Kahit sunugin mo 'ko dito, mangangamoy Rodrigo Roa Duterte ako. Pero yung draft ko, walang kinalaman sa draft ni ganito o sa draft ni ganon. Akin yun sa sarili ko,” saad ni Padilla.
Ibinahagi ni Padilla ang naturang pahayag matapos unang pumutok ang usapin noong ng impeachment ni Vice President Sara Duterte sa Senado.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Padilla, aminadong mangangamoy Duterte kahit sunugin siya!