April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

17-anyos na dalagita, pinatay sa hampas ng tubo ng sariling ama!

17-anyos na dalagita, pinatay sa hampas ng tubo ng sariling ama!

Patay ang isang 17 taong gulang na dalagita matapos siyang paghahampasin ng tubo ng sarili niyang ama sa Negros Occidental.

Ayon sa mga ulat, natagpuan na lamang ng mga awtoridad ang biktima na naliligo sa sarili niyang dugo sa loob ng kaniyang kuwarto.

Lumalabas sa imbestigasyon na narinig pa raw ng mga kapitbahay ng mag-ama ang kanilang pagtatalo, at ilang pagsigaw kung kaya’ t nagdesisyon na silang humingi ng tulong.

Pagdating ng mga awtoridad, doon na raw tumambad sa kanila ang wala nang buhay na katawan ng dalagita, habang mabilis ding nasakote ang kaniyang suspek na ama.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-ama dahil sa pagiging pasaway raw ng biktima. Hindi na raw nakapagtimpi ang suspek at saka pinaghahataw ang biktima hanggang sa malagutan siya ng hininga. 

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Napag-alamang matagal na ring hiwalay ang suspek sa ina ng biktima na kasalukyang nagtatrabaho sa Cebu.

Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa reklamong parricide.