Humahabol pa sa cuddle weather!
Bumagsak sa 7.5°C ang temperatura sa La Trinidad, Benguet nitong Sabado, Marso 14.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ang opisyal na pinakamababahang temperatura sa panahon ng amihan ngayong 2025 - 2026.
Ang mababang temperaturang ito sa Benguet ay sinundan ng Baguio City sa 9.0°C.
Kasunod nito ang mga probinsya ng Abucay, Bataan at Tanay, Rizal sa 16.2°C; San Ildefonso, Bulacan sa 17.0°C; at Basco, Batanes, at Tuguegarao City, Cagayan sa 17.2°C.
Matatandaang naitala naman sa pagpasok ng 2026 ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila, nang maramdaman ang 20.7°C na lamig sa Science Garden, Quezon City. noong umaga ng Enero 4.
MAKI-BALITA: 20.7°C, naitala sa QC; pinakalamig na temperatura sa Metro Manila ngayong amihan season
Ayon sa PAGASA, sa nalalapit na pagtatapos ng amihan season, asahan na unti-unti nang maramdaman ang pag-init ng klima simula sa ikalawang kalahati ng buwan ng Marso.