April 16, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Risa, inurirat: Sino ang makakatalo kay VP Sara?

Sen. Risa, inurirat: Sino ang makakatalo kay VP Sara?
Photo Courtesy: Risa Hontiveros (FB), via MB

Sinagot ni Sen. Risa Hontiveros ang tanong ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino kung sino ang makakatalo kay Vice President Sara Duterte sa 2028 elections.

Sa latest episode ng “KC After Hours” nitong Sabado, Marso 14, sinabi ni Sen. Risa na hindi pa raw niya alam sa ngayon kung sino ang puwedeng maitapat sa Bise Presidente.

Aniya, “Basta para sa akin, naghahanda ako. Ang gusto kong mangyari, ang oposisyon ay maghahain ng pinakamalakas na offer.”

“So I’m preparing for that, and we should all be preparing for that. Ano ba ‘yong pinakamagandang offer na pwede nating iharap sa ating mga kababayan at sa mga botante,” dugtong pa ni Sen. Risa.

Matatandaang sinabi ni Sen. Risa sa isang panayam noong Pebrero na si VP Sara umano ang pinakamalakas na kandidato para sa 2028 elections.

Politics

'Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!—Sen. Robin Padilla

"Sinabi nga ni Senator Frank [Drilon] na si VP [Sara Duterte] ang pinakamalakas na kandidato sa ngayon," anang senadora.

Maki-Balita: Sen. Risa, umamin; VP Sara, pinakamalakas na kandidato sa 2028!

Samantala, ayon sa kaniya, wala pa naman umanong nangyayaring diskusyon sa pagitan niya at ng administrasyon tungkol sa magiging pamato nito.

Matatandaang itinutulak ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV ang pagsasanib-puwersa ng mga Kakampink, middle forces, at administration side upang itapat kay VP Sara.

Maki-Balita: Trillanes, tinutulak sanib-pwersa ng Kakampink, middle force, admin vs Duterte