April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Lolang maghahatid sana ng apo, patay sa aksidente!

Lolang maghahatid sana ng apo, patay sa aksidente!

Nasawi ang isang babaeng senior citizen na maghahatid lang sana ng kaniyang apo matapos masalpok ng motorsiklo sa Roxas, Palawan. 

Ayon sa mga ulat, sakay ng isang motorsiklo ang biktima na minamaneho ng kaniyang mister habang angkas din nila ang kanilang apo nang bigla silang salpukin ng isa pang motorsiklo.

Sa lakas ng pagbangga ay tumilapon ang biktima kasama ang kaniyang apo at asawa. Batay pa inisyal na imbestigasyon, nagtamo ng bali sa kaniyang paa ang lola at pinsala sa ulo.

Nagawa pa siyang isugod sa spital ngunit kalaunan ay binawian din siya ng buhay. 

Samantala, ligtas naman ang kaniyang asawa at apo mula sa naturang insidente.

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang impormasyon kung nakasuhan ang rider na nakabangga sa biktima at kung nasakote pa siya ng pulisya.