Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na epektibo na ngayong Biyernes, Marso 13, ang dagdag-suweldo para sa minimum wage earners sa rehiyon ng Davao.
Ayon sa DOLE, ang umentong ito ay nakasaad sa Wage Order No. RB XI-24, kung saan aangat na sa ₱525 ang arawang suweldo ng mga manggagawang nasa “non-agricultural sector,” at ₱515 naman para sa mga nasa sektor ng agrikultura.
Samantala, kasabay nito ang umento sa buwanang sahod ng mga kasambahay o “domestic workers” sa nasabing rehiyon, na nakaayon naman sa Wage Order No. RB XI-DW-04.
Base sa order na ito, papalo na sa ₱6,500 ang monthly wage ng mga nabanggit na manggagawa.
Photo courtesy: Department of Labor and Employment - DOLE/FB
Inanunsyo rin ng ahensya na ikakasa naman ang ikalawang tranche ng wage increase sa darating na Setyembre 1, 2026.