May 06, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Hindi na uso abs!' Joey De Leon, binanatan ng Kapamilya fans dahil sa 'ABS-CBN' joke

'Hindi na uso abs!' Joey De Leon, binanatan ng Kapamilya fans dahil sa 'ABS-CBN' joke
Photo courtesy: MB File Photo

Usap-usapan ng mga netizen ang pinakawalang biro ni "Eat Bulaga" veteran TV host Joey De Leon patungkol sa ABS-CBN, matapos mag-guest ang nag-trending na kandidato sa Mister Pampanga 2026 na si RJ Perkins.

Si RJ Perkins ay nag-trending matapos i-flex ang kaniyang chubby body sa pagrampa niya sa swimsuit competition ng nabanggit na male pageant, bagay na umani naman ng mga papuri sa netizens dahil sa dala-dala niyang body positivity.

Winasak daw kasi ni RJ ang kumbensyon na kailangang maskulado at gym fit ang mga sumasali sa pageants.

Maki-Balita: 'Chubby is the new yummy!' Kandidato sa Mister Pampanga 2026, patok sa body positivity

Habang kinapapanayam si RJ, hindi napigilan ni Joey na magbitiw ng biro.

Tsika at Intriga

Awra sa 3 nagpa-pic sa kaniya: 'Letche tong mga bloated na ‘to! Lait gusto? Diet ayaw??'

“Hindi na uso yung abs. Wala na nga yung abs eh,” banat ni Joey na ang tinutukoy ay ang karaniwang porma ng stomach muscles sa bandang abdomen ng mga karaniwang gym fit.

“Iba naman yun eh!” natatawang sundot naman sa kaniya ng co-host na si Vic Sotto.

“ABS-CBN pala yun. Sorry, sorry,” dagdag pa ng host.

Siyempre pa, hindi naman natuwa ang mga netizen, lalo na ang solid Kapamilya fans, sa naging hirit na biro ni Joye lalo pa't kahit walang franchise, patuloy pa ring nag-ooperate ang ABS-CBN bilang isang content provider, at nakikipag-collab sa iba't ibang estasyon na dating competitors, gaya na lamang ng GMA Network.

May ilang netizens pang nag-ungkat sa pagiging dating ABS-CBN talent ni Joey, at ang Eat BUlaga mismo, ay dati ring umere sa Kapamilya Network bago mapunta sa Kapuso Network.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga naging banat ng netizens laban kay Joey:

"Hahaha bka may memory gap na ang MATANDA."

"Meron pa ...ramdam na ramdam."

"Heto na naman, bumanat na naman si Henyo, nagpapaka-relevant haha."

"May eat bulaga pa pala? Sorry hindi na ramdam eh."

"Hinde nila matanggap na natalo sila ng walang franchise. Dapat mapanuod ito ni Vice para hinde na siya gumawa ng Movie kasama ni Vic Sotto baka sabihin nila kaya Blockbuster yung Movie dahil nandun si Vic Sotto."

Sa kabilang banda, may ilan din namang nagtanggol at sumegunda kay Joey.

"Iyakin na naman ang mga kupamilya hahaha."

"Totoo naman eh, anong ikinagagalit n'yo? Nag-aaway na nga ang mga Lopez haha."

"Paldo, tamanganaman."

"Noong nawala sila sa GMA7 parang nawala na rin ung Eat Bulaga. Maganda kasi ung rating war between GMA(Eat Bulaga) vs. ABS(Showtime)."

Hinihintay naman ng mga netizen kung papatulan ba ito ni Vice Ganda sa "It's Showtime."