May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Awra sa 3 nagpa-pic sa kaniya: 'Letche tong mga bloated na ‘to! Lait gusto? Diet ayaw??'

Awra sa 3 nagpa-pic sa kaniya: 'Letche tong mga bloated na ‘to! Lait gusto? Diet ayaw??'
Photo courtesy: Awra Briguela/Mcneal Briguela (FB)

Binanatan ng TV at social media personality na si Awra Briguela ang tatlong lalaking nagpa-picture sa kaniya, subalit binuska naman siya bilang si "Bronny James" nang i-post ang larawan sa social media.

Noong Mayo 4, ibinahagi ni Awra sa kaniyang verified Facebook page na "Mcneal Briguela" ang screenshot ng social media post ng nag-upload ng larawan nilang apat.

Mababasa sa caption, "With Bronny James."

Ibinahagi naman ni Awra ang screenshot ng post at saka maanghang na kinomentuhan.

"letche tong mga bloated na ‘to! LAIT GUSTO? DIET AYAW?? Ano yan isang size lang kayong tatlo para hiraman nalang??" aniya.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Photo courtesy: Mcneal Briguela (FB)

Si Bronny James ay isang American basketball star sa National Basketball Association (NBA), para sa Los Angeles Lakers, na anak naman ng isa pang basketball legend na si LeBron James.

Kamakailan, pinalagan na ni Awra ang pang-aasar sa kaniya ng netizen na kamukha raw ni Bronny James, sa kabila ng kaniyang transition.

Maki-Balita: Awra Briguela, ibinida Bronny James-inspired photoshoot