May 13, 2026

Home BALITA National

DOH, pinatatanggal iba't ibang vape flavors sa bansa!

DOH, pinatatanggal iba't ibang vape flavors sa bansa!
Photo Courtesy: via MB

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na alisin sa Pilipinas ang iba’t ibang flavor ng electronic cigarette o vape sa mga pamilihan.

Ito ay habang hinihintay umano ang pagpapatupad ng total ban sa naturang produkto sa loob ng bansa.

Sa inilabas na pahayag ng ahensya nitong Miyerkules, Mayo 6, iginiit nilang patuloy pa rin umano nilang itinataguyod na maipagbawal ito sa Pilipinas.

“Ang total ban ang pinakasimple at pinakatipid na solusyon sa implementasyon,” saad ng DOH.

Sa kasalukuyan, ganap na ipinagbabawal ang pagbebenta ng vape sa ilang mga bansa sa Asya gaya ng Singapore, Thailand, Vietnam, Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, at Timor-Leste.

National

Llamas, tiniradang 'wala palang bitaw' si Sen. Padilla!

Ngunit dahil sa umano’y komplikadong pagpapataw ng mga polisiya at regulasyon sa paggamit at pagtitinda nito, malaya pa ring nakakagamit ang kabataan.

Ito ay sa kabila ng umano’y mahigpit na polisiya laban dito. 

Ayon sa Medical News Today, bagama't mas malakas umano ang negatibong epekto ng paninigarilyo kaysa vaping, hindi pa rin ligtas ang huli at nakakapinsala pa rin ito sa kalusugan.

Mayroon kasing malaking dose ng nicotine na nakakapagpabago ng chemistry sa utak ng tao na maaaring magdulot ng ilang psychiatric disorders tulad ng depressive at bipolar disorder, sakit sa puso, at chronic obstructive pulmonary disease (COPD).

Isa pang kemikal na nasa vape ay ang diacetyl na nagdudulot ng sakit sa baga, at ang aerosol na mayroong mga sangkap na nagdudulot ng kanser, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Basahin: ALAMIN: Mas ‘safe’ ba ang vape kaysa sigarilyo?