May 21, 2026

Home BALITA Metro

Sa halagang ₱1,500: Kotseng nagpa-gas, 'di nagbayad!

Sa halagang ₱1,500: Kotseng nagpa-gas, 'di nagbayad!
Photo courtesy: via QCPD

Pinaghahanap na ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver ng isang sasakyan na tumakas matapos magpakarga ng gasolina sa isang gasolinahan sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa Quezon City noong Mayo 3, 2026.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente madaling-araw ng Linggo sa isang gasolinahan sa Barangay Bahay Toro.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagpakarga ng gasolina ang driver ng isang asul na sedan na umabot sa halagang humigit-kumulang ₱1,500, ngunit agad umanong umalis nang hindi nagbabayad.

Agad na ini-report ng gasoline attendant ang insidente sa mga awtoridad, na nagresulta sa mabilis na pagresponde ng pulisya at paglalabas ng flash alarm.

Kasalukuyang sinusuri ng mga imbestigador ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera mula sa gasolinahan at mga kalapit na establisyimento upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Metro

73-anyos, patay sa gitna ng paghihintay para makabili ng murang bigas

Nanawagan naman ang QCPD sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad.

“Individuals who may recognize the suspect seen on CCTV footage are advised to report to the nearest police station or contact emergency hotlines, including E911 or the QC Helpline 122, to assist in the suspect’s identification and possible arrest,” ayon sa QCPD.