April 15, 2026

Home BALITA

Super Typhoon 'Sinlaku,' malayo sa 'Pinas

Super Typhoon 'Sinlaku,' malayo sa 'Pinas
courtesy: Panahon.gov.ph/website

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ganap nang super typhoon ang bagyong "Sinlaku" na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang bagyo kaninang 8:00 AM sa layong 2,515 kilometers East of Eastern Visayas. Taglay nito ang lakas ng hangin na 215 kilometers per hour at pagbugsong 265 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-Hilaga sa bilis na 15 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, malayo ang super typhoon sa PAR kung kaya'y hindi ito inaasahang pumasok sa bansa sa loob ng susunod na 24 na oras.

“Inaasahan itong hindi papasok o mababa ang tsansa na pumasok sa ating Philippine area of responsibility,” saad ni senior weather forecaster Aldczar Aurelio nitong Lunes ng umaga, Abril 13.

Metro

‘Di para manakot!' Taguig police, dumipensa sa presenya ng 'sniper' sa gitna ng demolisyon

"Ang pagkilos nito ay maaaring lumapit sa bansang Japan," dagdag pa niya. "Itong binabantayang bagyo ay walang epekto sa ating panahon ngayon."

Kaugnay nito, maganda at maaliwalas ang panahon sa buong bansa.