Nagawang tuligsain ni United States (US) President Donald Trump ang US-born global leader ng Simbahang Katolika na si Pope Leo XIV dahil sa umano’y tila pagkastigo nito sa pag-iral ng mga krimen.
Ayon sa naging panayam ng mga mamamahayag kay Trump sa Joint Base Andrews noong Linggo (araw sa US), Abril 12, 2026, sinabi niyang nakikita raw niyang tila hindi raw maganda ang ipinapakita ni Pope Leo para gampanan ang kaniyang tungkulin.
“I don’t think he’s doing a very good job. He likes crimes, I guess,” pagsisimula niya.
Buwelta pa niya, “He's worried about fear. What about the fear when the ministers and the priests and all of those great people that were arrested during COVID.”
Ani Trump, hindi raw nila gusto ang isang Santo Papa na pumapabor sa pagkakaroon ng Iran ng nuclear weapons at nagsasabing ayos lang na umiral ang krimen sa mga siyudad ng US.
“We don’t like a Pope who says that it is okay to have a nuclear weapon. We don’t want a Pope that says that crime is okay in our cities,” aniya.
Pagpapatuloy niya, hindi raw niya gusto si Pope Leo dahil isa itong liberal.
“I don’t like it. I’m not a big fan of Pope Leo. He’s a very liberal person and he’s a man that doesn’t believe in stopping crime,” diin niya.
Aniya pa, si Pope Leo raw ang klase ng indibidwal na hindi naniniwalang dapat nilang salingin ang mga bansang may nuclear weapon at magbabantang pasabugin ang maraming bansa sa mundo.
“He’s a man that doesn’t think that we should be toying with a country that once [has] nuclear weapons so they can blow up the world,” ‘ika niya.
“I’m not a fan of Pope Leo,” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, pahayag, o reaksyon si Pope Leo kaugnay sa nasaad na ito ni Trump.
KAUGNAY NA BALITA: Trump, binira si Pope Leo XIV matapos manawagan ng kapayapaan
KAUGNAY NA BALITA: ‘Enough of war!’ Pope Leo XIV, ipinanawagan tigil-giyera sa Middle East