April 16, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

4th Impact, palit-pangalan; 4SISTERS na!

4th Impact, palit-pangalan; 4SISTERS na!
Photo Courtesy: 4th Impact (IG)

Inanunsiyo ng all-female group na "4th Impact" ang pagpapapalit nila ng bagong pangalan.

Sa latest Instagram post ng 4th Impact kamakailan, tuluyan nang niyakap ng magkakapatid ang kanilang pagkakakilanlan bilang magkakagrupo.

“We want to go back to where it all began. Four sisters who simply love to sing and to create beautiful music together. No expectations, pressure, we're just gonna move on for our family, and just pure love for music,” saad ng 4th Impact na ngayon ay tatawagin na bilang 4SISTERS.

Dagdag pa nila, “This time, we want to give you our best authentically. Even on the days when we are still growing, healing, and still figuring things out. Because this journey is not about being perfect, it's about being real.”

Umaaasa naman ang magkakapatid na patuloy pa rin silang susuportahan ng kanilang mga tagasubaybay sa kabila ng rebranding na nangyari.

Musika at Kanta

'Nabunot na naman kami!' Chie Filomeno nag-react, GirlTrends next na raw sa Coachella

“Sana po patuloy n'yo po kami supportahan magkakapatid as we sing songs that matter to us and create music that better show who we really are," anila.

Binubuo ang grupo nina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado.

Matatandaang bago pa man tawaging 4th Impact ang grupo, nagkaroon pa sila ng mga naunang pangalan gaya ng Cercado Sisters, Gollayan Sisters, MICA, at 4th Power.