May 21, 2026

Home BALITA Metro

Special payout para sa PUJ at tricycle drivers sa Pasig City, suspendido muna sa Abril 21

Special payout para sa PUJ at tricycle drivers sa Pasig City, suspendido muna sa Abril 21
Photo courtesy: Pasig City (website)

Ipagpapaliban muna ng Pasig local government unit (LGU) ang special payout ng cash relief assistance para sa Public Utility Jeepney (PUJ) at tricycle drivers sa darating na Martes, Abril 21. 

Batay sa anunsyo ng Pasig City LGU nitong Lunes, Abril 20, isasagawa ang pagpapaliban ng payout para sa mga mayroon pang unclaimed, may correction sa kanilang mga detalye, at additional beneficiaries upang patuloy na isaayos ng LGU kanilang listahan at matiyak na mas maayos ang pamamahagi payout. 

Anila pa, magkakaroon muli ng abiso para sa bagong schedule ng payout, kaya paalala ng Pasig LGU sa publiko, mangyari lamang na antabayanan ito. 

Ang pamamahagi ng payout ay layong maibsan ang pasanin sa PUJ at tricycle drivers mula sa mga kamakailang pagtataas ng langis bunsod ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nagdeklara ng state of national energy emergency!

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout