May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

US intelligence, nadiskubre ang umano'y pagsuporta ng China sa air defense ng Iran!

US intelligence, nadiskubre ang umano'y pagsuporta ng China sa air defense ng Iran!
Photo courtesy: via AP News

Iginiit ng US intelligence na nasagap daw nila ang umano’y paghahanda ng China upang magpadala ng mga bagong air defense system sa Iran.

Ayon sa ulat ng ilang international news outlet, nakatakda umanong magpadala ng mga kagamitan ang China sa Iran sa susunod na linggo—batay sa nakalap ng ilang intelligence asset ng US.

Sinasabing may indikasyon umanong pinaplano ang Beijing na ipadaan ang mga nasabing kargamento sa mga third world countries upang maitago ang pinagmulan nito.

Samantala, nagbabala naman si US President Donald Trump sa posibleng hakbang ng China.

"If China does that, China can have big problems,” ani Trump sa media, kamakailan.

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Trump kaugnay ng kaniyang pahayag.

Hindi rin agad tumugon ang US State Department, ang embahada ng China sa Washington, at ang foreign ministry ng China sa mga kahilingan ng media upang magkomento sa naturang report umano ng US intelligence.

Ayon pa sa ulat, pinaghahandaan ng China ang paglilipat ng mga shoulder-fired anti-air missile systems na kilala bilang MANPADs.

Samantala, kaugnay ng tensyon sa MIddle East, inihayag ni US Vice President na bigo silang magkasundo ng Iran hinggil sa peace talk na isinagawa sa Pakistan noong Sabado, Abril 11, 2026.

“The bad news is that we have not reached an agreement, and I think that’s bad news for Iran much more than it’s bad news for the United States of America,” ani Vance sa pagharap niya sa media sa Pakistan.

Dagdag pa niya, “So we go back to the United States having not come to an agreement. We’ve made very clear what our red lines are.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Bad news for Iran!' US, kinumpirmang olats ang negosasyon nila sa Iran