May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

Trump, tutok sa kasunduang 'wag magkaroon ng nuclear weapon ang Iran!

Trump, tutok sa kasunduang 'wag magkaroon ng nuclear weapon ang Iran!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inihayag sa publiko ni United States (US) President Donald Trump na maituturing nilang magandang kasunduan kung papayag ang bansang Iran na hindi ito magkakaroon pa ng mga nuclear weapon.

Ayon sa inilabas na video ng international news media outlet na Fox News sa panayam nila kay Trump nitong Sabado (araw sa Pilipinas), Abril 11, 2026, maririnig na nagawang tanungin ng mga mamamahayag ang Pangulo kung ano raw ang magandang kasunduang maibibigay sa kanila ng Iran. 

“What would a good deal look like for you?” tanong ng media kay Trump. 

Direktang sagot ng US President, “No nuclear weapons. Number one.” 

Aniya pa, iyon daw ang maituturing nilang 99% na magandang kasunduan para sa US. 

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

“I think it’s already been a regime change but we never had that as a criteria. No nuclear weapons, that’s 99 percent of it,” saad niya. 

Pagpapatuloy ni Trump, tiyak daw niyang malapit nang magbukas muli ang Strait of Hormuz kaya mas nakatuon daw sila na masigurong hindi magkakaroon pa ng nuclear weapons ang Iran. 

“The Strait will open up. If we just left, the Strait is gonna make no money. So the Strait is gonna open,” ‘ika niya. 

“But we [want] no nuclear weapons [because] the Strait will open anyway. Don’t forget we don’t use the Strait. Other countries use the Strait. So we do have other countries coming up but we don’t use it. I would say this, we will have that open very soon,” pagtatapos pa niya. 

Taliwas dito, nanindigan naman si Iran Supreme Leader Mojtaba Khamenei na ipagpapatuloy ng Iran ang bagong yugto ng mahigpit na kontrol sa Strait of Hormuz sa kabila ng umiiral na tigil-putukan sa US. 

Tindig ni Khamenei, hindi nila isusuko ang pamamahala sa nasabing mahalagang lagusan ng pandaigdigang kalakalan, na dinadaanan ng tinatayang 20% ng suplay ng langis sa buong mundo. Dagdag pa niya, bahagi umano ito ng soberanya at seguridad ng Iran sa rehiyon.

KAUGNAY NA BALITA: Iran, walang balak isuko kontrol sa Strait of Hormuz

KAUGNAY NA BALITA: 'If they’re gonna try to play us:' US VP JD Vance, may babala sa Iran