May 07, 2026

Home BALITA Internasyonal

Trump sa Artemis II: 'I could not be more proud!'

Trump sa Artemis II: 'I could not be more proud!'
photo courtesy: Donald Trump (Facebook), NASA (Facebook)

'NEXT STEP, MARS!'

Nagpahayag ng pagbati si United States (US) President Donald Trump sa tagumpay ng Artemis II sa isinagawa nilang lunar flyby. 

Matatandaang matagumpay na nakabalik sa mundo ang tatlong NASA astronaut crew na sina Victor Glover, Reid Wiseman, Christina Koch, at Jeremy Hansen nitong Sabado, Abril 11 (oras sa Pilipinas).

Nakatakdang magpahinga ang mga astronaut matapos nilang harapin ang maximum speed na 30 beses na mas mabilis sa speed of sound at maranasan ang mataas na temperatura sa muling pagpasok nila sa mundo. 

Basahin: Artemis II, balik-mundo matapos lunar flyby mission sa buwan!

Internasyonal

'Human-to-human transmission,' posible sa 3 nasawi dahil umano sa Hantavirus—WHO

"Congratulations to the Great and Very Talented Crew of Artemis II," saad ni Trump sa kaniyang Truth Social account ntiong Sabado. 

"The entire trip was spectacular, the landing was perfect and, as President of the United States, I could not be more proud! I look forward to seeing you all at the White House soon," dagdag pa niya.

"We'll be doing it again and then, next step, Mars!"

Matatandaang Abril 1, 2026, nang lumipad mula Florida palabas ng mundo ang Orion spacecraft sakay ang mga nasabing astronaut. 

Mula dito, nagawang makapagtala ng kasaysayan ang kanilang ekspedisyon dahil narating nila ang mahigit 252,757 milyang layo mula sa mundo na maituturing na pinakamalayong distansyang naabot ng tao mula sa Earth.

Higit na mas malayo ito ng 4,102 milya kumpara sa dating tala ng Apollo 13 noong 1970, na umabot sa 248,655 milya. 

KAUGNAY NA BALITA: Artemis II, narating higit 200k milyang layo sa Earth; kinabog Apollo 13 record noong 1970